Lumaktaw sa nilalaman

Billing at pera

Billing at balanse

Madalas paunti-unti ang bayad ng pasyente, at napupunta pa rin sa tamang lugar ang bawat piso. I-record kahit magkano sa kahit anong araw, para sa isang treatment, isang visit, o sa pinakalumang singil muna, at laging tama ang balanse. Para sa braces o pustiso na hinuhulugan nang ilang buwan, gumawa ng payment plan na pipirmahan ng pasyente. Direkta sa clinic mo nagbabayad ang pasyente, at hindi kailanman humahawak ang DentalDesk.ph ng pera ng pasyente.

Kasama
Sa bawat license at sa libreng trial mo
Huling sinuri

Ano ang naitutulong

Ang makukuha ng clinic mo

  • Bayad ayon sa paraan ng pasyente

    I-record ang cash, GCash, Maya, card, o bank transfer, kahit magkano. Makikita sa bawat treatment kung Paid, Partly Paid, o Unpaid, at may Acknowledgement Receipt ang bawat bayad na may natitirang balanse.

  • Deposit at refund

    Kapag sobra sa balanse ang ibinayad, nagiging credit ang sobra na magagamit sa mga susunod na treatment. Mag-record ng refund mula sa credit na iyon, o ng adjustment gaya ng write-off, at nakatala sa ledger ang dahilan.

  • Kasama ang patunay

    Kunan ng litrato ang GCash o Maya success screen, card slip, o deposit slip at i-attach ito sa bayad, hanggang 20 litrato o PDF bawat isa.

  • Alam kung sino ang may utang

    Nasa Billing > Outstanding Balances ang bawat pasyenteng may utang, magkano, at mula kailan, kasama ang total na puwedeng i-export bilang PDF, Word, Excel, o CSV.

Paano gumagana

Hakbang-hakbang sa app

Laging tama ang bawat balanse paano man magbayad ang pasyente, at alam mo palagi kung sino pa ang may utang.

  1. Record Payment

    Sa Billing tab ng pasyente, i-tap ang Record Payment. Ilagay ang halaga, paraan ng bayad, at reference nito, gaya ng GCash Ref. No., at ang BIR invoice number na inisyu mo para dito.

  2. I-print ang resibo

    I-print o i-email ang Acknowledgement Receipt na may letterhead mo. I-tap ang Create Statement para sa Statement of Account ng mga singil ng pasyente.

  3. Sundan ang mga balanse

    Buksan ang Billing > Outstanding Balances para makita kung sino ang may utang at mula kailan, tapos buksan ang pasyente para i-record ang ibabayad nila.

Mga tanong

Mga madalas itanong

Puwede bang hulugan ng pasyente ang treatment?

Oo. I-record ang bawat bayad pagdating nito, kahit magkano at kahit anong araw. Kapag ni-record mo ito para sa treatment na iyon, doon muna ito mapupunta; ang ibang bayad ay sa pinakalumang singil muna. Para sa napagkasunduang schedule, gaya ng braces na binabayaran bawat visit, gumawa ng payment plan, at papasok dito ang bawat bayad. Payment plans

Paano kung mag-advance ng bayad ang pasyente?

Nagiging credit ito sa balanse nila. Magagamit ito sa mga susunod na treatment, at puwede mong i-refund ang matitira.

Ano ang kailangan bago ako makapag-print ng resibo?

Ang BIR-registered na pangalan, TIN, at branch code ng clinic mo, na inilalagay ng owner sa Clinic Settings > Clinic Details. Naka-print ang mga ito sa statement at resibo, kasama ang paalalang hiwalay na iniisyu ng clinic ang official invoice.

Puwede ko bang i-export ang ledger ng pasyente?

Oo. I-download ang ledger ng pasyente bilang PDF, Word, Excel, o CSV mula sa Billing tab nila.

4:30 PM Bayad sa GCash, handa na ang resibo Tingnan sa isang araw sa clinic

Subukan ang lahat ng feature nang libre

Libre ang unang clinic mo nang 3 buwan, kasama ang lahat ng feature. Walang credit card na kailangan.

Kinukuha ang dokumento…

Makipag-usap sa amin