Lumaktaw sa nilalaman

Form na walang papel

Patient Mode

Gawing kasing-moderno ng dentistry mo ang front desk mo. Pipiliin mo ang forms, iaabot ang tablet o phone ng clinic, at sasagutan at pipirmahan ito ng pasyente sa malalaki at simpleng screen. Hangga't hindi ito ina-unlock ng staff gamit ang MPIN, ang forms lang na iyon ang makikita sa device.

Kasama
Sa bawat license at sa libreng trial mo
Huling sinuri

Ano ang naitutulong

Ang makukuha ng clinic mo

  • Forms lang niya, wala nang iba

    Habang bukas ang Patient Mode, tinatanggihan ng server namin ang lahat ng ibang request mula sa sign-in na iyon. Kahit lumabas sa app, mag-reload, o magbukas ng ibang tab, babalik ang pasyente sa forms.

  • Madali para sa bawat pasyente

    Malalaking text at button, isang section bawat screen, may progress bar, at may Back sa bawat screen. May Review screen muna bago pumirma gamit ang daliri o stylus.

  • Balik-trabaho gamit ang MPIN mo

    I-unlock gamit ang parehong 4-digit MPIN na ginagamit mo araw-araw. Kung umalis ka saglit, puwedeng i-tap ng kasamahang naka-sign in sa device ang Someone Else? at kunin ito gamit ang MPIN niya.

  • Tuloy kung saan ka huminto

    Kapag nagsimula ka sa Get Consent sa chart, bubukas ang Record Treatment form na puno na pagkatapos ng MPIN mo, at nakapili na ang consent na iyon.

Paano gumagana

Hakbang-hakbang sa app

Sinasagutan at pinipirmahan ng pasyente ang forms niya sa tablet mo, at iyon lang ang bukas hanggang i-unlock ng staff mo.

  1. Piliin ang forms

    I-tap ang Start Patient Mode sa Forms tab ng pasyente, Get Forms Signed sa appointment, o Get Consent sa chart. Sa Add a Form, maidadagdag ang medical history o consent, at puwede mong ilagay ang blood pressure.

  2. Hand to Patient

    I-tap ang Hand to Patient at iabot ang device. Makikita ng pasyente ang welcome na may pangalan niya, saka ang bawat form, at pipirma siya sa screen.

  3. I-unlock gamit ang MPIN mo

    Sa huling screen, hihilingin sa pasyente na ibalik ang device. I-tap ang Unlock at ilagay ang MPIN mo. Nasa Forms tab na ng pasyente ang pirmadong forms.

Mga tanong

Mga madalas itanong

Ano ang pumipigil sa pasyente na umalis sa forms?

Nasa server namin ang lock, hindi lang sa app. Pini-pin din ng Android app ang sarili nito kaya blocked ang Home at ibang app, at nagfu-full screen ang browser kung kaya nito.

Paano kung may manghula ng MPIN?

Kapag limang beses nang mali ang MPIN habang bukas ang Patient Mode, masa-sign out ang device. Magsa-sign in ulit ang staff gamit ang Google o Apple.

Ano ang puwedeng pirmahan sa Patient Mode?

Ang medical history, consent forms, ang Data Privacy Notice, at mga treatment plan na ipinapakita mo gamit ang Get Plan Signed.

Puwede bang gamitin ang sarili naming phone o computer?

Oo. Gumagana ang Patient Mode sa tablet, phone, at computer, sa Android app o sa browser. Sa tablet pinakamaluwag ang screen para magbasa at pumirma ang pasyente.

Subukan ang lahat ng feature nang libre

Libre ang unang clinic mo nang 3 buwan, kasama ang lahat ng feature. Walang credit card na kailangan.

Kinukuha ang dokumento…

Makipag-usap sa amin